About Us
At WAVEBRO is more than a name. It is a reminder of who we are, why we serve, and
how we want to make an impact.
WAVE – A wave travels far, reaching distant shores. Just like a wave, our mission
is to reach even the most remote and underserved communities — bringing
connection, opportunity, and hope. Each branch we open sends out another “wave”
of service that touches lives beyond our immediate reach.
BRO (Brothers) – A brother stands with you, looks after you, and shares what he
has. WAVEBRO exists not just as a business, but as a family. We serve with a heart of brotherhood — with integrity, compassion, and solidarity. Every customer is treated as part of our extended family, deserving of quality service, respect, and care.
Together, WAVEBRO means “waves of service carried with brotherly love.”
It is a commitment that no matter where people live — center of town or remote sitio
of barangay — they will feel the strength of connection and the warmth of family
through the service we provide.
Mission
To serve people with integrity, excellence, and a heart of service — especially communities in remote areas, so that even the less privileged can experience quality connection and care.
Vision
To be the most trusted community-based network provider in the Province of Romblon — bringing reliable connection, excellent service, and hope to even the most remote and underserved communities, so that every home and family can experience opportunity, progress, and the blessing of true connection.”
Core Values
Integrity. Excellence. Brotherhood.
1. Integrity in Service - We do what is right, always. We serve with honesty, fairness, and transparency. Every customer — whether in the city or the remotest barangay — deserves truthful communication, proper service, and respect.
2. Excellence with a Heart - Quality service, genuine care. We aim for the highest standards, not just in technology but in the way we care for people. Excellence for us means combining quality service with genuine compassion.
3. Brotherhood & Community - Together, we grow and serve. We see every customer as part of the WAVEBRO family. We stand with one another, lift each other up, and make our business a channel of blessings to the communities we serve.
More Info
Our Services
Enjoy unparalleled download and upload speeds that effortlessly handle everything from streaming and online gaming to large file transfers and seamless video conferencing. Our plans are engineered to keep you ahead of the curve.
Video Tutorial
For more information about our services, watch our online video by clicking the "CLICK HERE" button. Learn how to set up and maximize our services with our step-by-step guides. "CLICK HERE".
SUBSCRIPTION PLAN
Upgrade to the future of internet with us now, we are bringing you blazing-fast, ultra-reliable fiber optic internet designed to keep up with your every digital demand, whether its for work, study, or entertainment.
Frequently Asked Questions
-
PAANO MAGPA-INSTALL?
Installation Process - Wavebro 📌 Installation Process📩 1. Message Us
Mag-message lamang po sa amin at ibigay ang sumusunod na detalye:
Complete Address
Name of Contact Person
Active Mobile Number📍 2. Survey sa Lugar
Magse-schedule po kami ng on-site survey upang i-check ang layo sa pinakamalapit na NAP box sa inyong area. Libre po ito at mabilis lamang, upang masigurong makakaabot ang fiber optic cable bago ang installation.
- PAANO KUNG MABAGAL ANG AMING INTERNET?
Troubleshooting Guide - Wavebro 🛠️ Basic Troubleshooting Guide🔄 I-RESTART ANG IYONG DEVICE
Ang pag-unplug ng iyong modem o router ay nagbibigay ng pagkakataon sa device na ma-clear ang memorya at mag-restart. I-unplug ang iyong modem o router at isaksak muli pagkatapos ng dalawang (2) minuto.📶 TINGNAN KUNG SINO ANG GUMAGAMIT NG IYONG WIFI
Kung mabagal ang koneksyon o mabilis maubos ang bandwidth, maaaring may ibang gumagamit nito.
Posibleng may nagda-download ng malalaking files na nakakaapekto sa iyong internet speed.
Makakatulong din ang app na makikita sa Google Play Store na WOM WiFi upang makita kung sino ang mga naka-konekta sa iyong router.🌐 BISITAHIN ANG IBA’T IBANG WEBSITE
Maaaring hindi ang iyong koneksyon ang may problema kundi ang mismong website.
Subukang bumisita sa:
downdetector.com downforeveryoneorjustme.com upang tingnan kung may aberya ang site.☎️ KAMI NA ANG BAHALA
Kung wala pa ring gumana sa mga hakbang na ito, tumawag na sa aming hotline na makikita sa itaas ng modem. Ihanda ang MAC address ng iyong modem upang mas mabilis kayong matulungan ng aming support team.- PAANO ANG MAG BAYAD?
Payment Options - Wavebro 💳 Payment OptionsPuwede po kayong magbayad via:
✅ GCash
✅ Monthly Collection
✅ Walk-in Payment
Pakisend po ang screenshot ng inyong payment para agad ma-update ang inyong account.📄 For Billing Concerns
Kindly provide the following details:
Account Name:
Barangay:
Contact Number:
Sabihin lamang po kung nais ninyong malaman ang inyong due date o outstanding balance.🌐 Online Billing Portal
May online portal din po para sa mga subscribers para sa mas updated na Billing Statements.
https://wavebro.net/subscribers/index.php- ANO ANG KAKAYAHAN NG 15 MBPS?
15 Mbps Plan Details 🌐 15 Mbps Internet PlanAng 15 Mbps ay bagay para sa small hanggang medium household. Mas komportable ito kumpara sa 15 Mbps, ngunit may limitasyon kapag sabay-sabay ang heavy usage.🎥 Streaming (Video)
YouTube / Netflix
HD (720p–1080p) → ✅ 3–4 katao
SD (480p) → ✅ 5–7 katao
4K → ❌ Hindi recommended (isang device pa lang, halos ubos na ang bandwidth)📱 Browsing / Social Media
Facebook / TikTok
Scroll, chat, light videos
👉 6–10 katao (kung hindi puro HD streaming)🎮 Online Games
Mobile Legends: Bang Bang
Call of Duty: Mobile
✅ 4–6 gamers sabay
Basta walang kasabay na heavy download o 4K streaming📊 Summary ng 15 Mbps
👤 4–6 heavy users
👨👩👧👦 6–8 normal users
🏠 Ideal para sa maliit na pamilya (3–5 members)- ANO ANG KAKAYAHAN NG 30 MBPS?
30 Mbps Plan Details 💡 30 Mbps Internet PlanSulit ang 30 Mbps kumpara sa 15 Mbps dahil mas kaya nito ang sabay-sabay na paggamit sa bahay o maliit na opisina.🎥 Panonood ng Video (YouTube / Facebook / Netflix)
HD (720p–1080p) → 👉 6–8 katao sabay
SD (480p pababa) → 👉 8–15 katao📱 Browsing at Social Media
Facebook / TikTok
Normal scrolling, chat, light video
👉 15–20 katao🎮 Online Games
Mobile Legends: Bang Bang
Call of Duty: Mobile
👉 10–15 katao (depende sa stability at ping)🏠 Practical Example
Kung sa bahay o maliit na opisina:
6 nanonood ng HD video
6 nagso-social media
2 naglalaro
👉 Kaya pa ng 30 Mbps, pero kapag sabay-sabay heavy usage, maaaring makaranas ng konting bagal.📌 Simple Rule
30 Mbps = sakto sa medium-size family Kaya na ang sabay-sabay na video + normal use nang hindi hirap- ANO ANG KAKAYAHAN NG 40 MBPS?
30 Mbps Plan Details ⚡ 40 Mbps Internet PlanAng 40 Mbps ay bagay para sa medium hanggang malaking household o maliit na opisina.
Mas stable ito kahit sabay-sabay ang gumagamit ng internet.🎥 Streaming (Video)
YouTube / Netflix
HD (1080p) → ✅ 5–7 katao sabay
4K (Ultra HD) → ✅ 1–2 devices
Mixed HD + browsing → ✅ Smooth pa rin📱 Browsing / Work From Home
Facebook / TikTok
Social media, online meetings, downloads
👉 10–15 light users
2–3 naka-Zoom/Google Meet sabay → Kaya🎮 Online Games
Mobile Legends: Bang Bang
Call of Duty: Mobile
✅ 5–8 gamers sabay (kung walang heavy download)
Stable ang ping basta maayos ang router at mababa ang latency📊 Practical Capacity ng 40 Mbps
👤 4–6 heavy users
👨👩👧👦 8–12 normal users
🏢 Pwede sa maliit na office (5–10 employees)- ANO ANG KAKAYAHAN NG 60 MBPS?
60 Mbps Plan Details 🚀 60 Mbps Internet PlanAng 60 Mbps ay perfect para sa malaking pamilya o maliit na negosyo.
Kaya nito ang sabay-sabay na streaming, online gaming, at work-from-home nang hindi agad bumabagal ang koneksyon.🎥 Streaming (HD & 4K)
Netflix / YouTube
HD (1080p) → ✅ 8–12 katao sabay
4K (Ultra HD) → ✅ 2–3 devices sabay
Mixed HD + browsing → ✅ Very smooth📱 Social Media / Work From Home
Facebook / TikTok
Browsing, uploads, video calls
👉 15–20 light users
4–6 sabay naka-Zoom/Meet → Kaya pa rin🎮 Online Gaming
Mobile Legends: Bang Bang
Call of Duty: Mobile
✅ 8–12 gamers sabay
Stable ang connection basta walang malaking download na kasabay📊 Summary ng 60 Mbps
👤 6–10 heavy users
👨👩👧👦 10–15 mixed users
🏢 Good for small office (10–15 employees)- KONDISYON AT ALITUNTUNIN 1-6
Subscriber Service Agreement - Wavebro 📄 SUBSCRIBER SERVICE AGREEMENTAng kasunduang ito ay naglalaman ng mga tuntunin at kundisyon na sumasaklaw sa paggamit ng internet service na ibinibigay ng WAVEBRO NETWORK INC., na may opisina sa Poblacion, Alcantara, Romblon, Philippines.
Sa pag-apply, pag-subscribe, o paggamit ng serbisyo ng Wavebro Network, ang subscriber ay sumasang-ayon na sundin at igalang ang lahat ng probisyon na nakasaad sa kasunduang ito.🌐 1. Paglalarawan ng Serbisyo
Ang Wavebro Network Inc. ay nagbibigay ng high-speed fiber internet services para sa residential at business subscribers sa Romblon, Philippines.
Ang mga internet plan at bilis ng serbisyo ay ayon sa nakasaad sa opisyal na materyales, website, o application form ng kumpanya.
Ang mga ipinapakitang bilis ng internet ay maximum speed lamang at maaaring mag-iba depende sa network conditions, lokasyon, at kagamitan ng subscriber.
Maliban kung may ibang nakasaad, ang lahat ng plan ay may unlimited data usage.💳 2. Mga Bayarin at Pagbabayad
Ang buwanang bayad sa serbisyo ay dapat bayaran sa itinakdang billing date.
May isang beses na installation fee na ₱1,800 para sa bagong installation.
Kasama sa installation ang hanggang 150 metro ng fiber optic cable na libre.
Kung lalampas sa 150 metro ang fiber cable, sisingilin ang subscriber ng ₱4 bawat metro.
May tatlong (3) araw na grace period mula sa due date para sa pagbabayad.
Kapag lumampas sa grace period, maaaring pansamantalang suspindihin ang serbisyo.
May reconnection fee na ₱250 upang maibalik ang serbisyo.
Kapag lumampas sa tatlong araw bago magpa-reconnect, aatras ng tatlong araw ang due date ng susunod na billing.⚖️ 3. Paggamit ng Serbisyo (Acceptable Use)
Ang serbisyo ay dapat gamitin lamang para sa legal na layunin at hindi para sa ilegal na gawain.
Ipinagbabawal ang network abuse o sobrang paggamit ng bandwidth na nakakaapekto sa ibang users.
Hindi maaaring ipagbili o ipamahagi muli ang serbisyo nang walang pahintulot ng Wavebro Network.📡 4. Antas ng Serbisyo
Nagsusumikap ang Wavebro Network na makapagbigay ng 99.5% network availability ngunit hindi ginagarantiya ang tuloy-tuloy na serbisyo sa lahat ng pagkakataon.
Hindi mananagot ang kumpanya sa pagkaantala ng serbisyo dulot ng natural na kalamidad, power interruption, network outage mula sa upstream provider, o anumang force majeure.🛠️ 5. Kagamitan (Equipment)
Ang router at internet cable ay pagmamay-ari ng Wavebro Network sa loob ng unang anim (6) na buwan ng subscription.
Ang kagamitan ay magiging pagmamay-ari ng subscriber matapos ang anim na buwang tuloy-tuloy na subscription.
Kung ihihinto ang serbisyo bago matapos ang anim na buwan, kailangang isauli ang kagamitan.
Ang router ay may dalawang (2) buwang warranty mula sa unang araw ng paggamit.
Responsibilidad ng subscriber na pangalagaan ang kagamitan at cable.
Kung masira ang cable o kagamitan dahil sa kapabayaan o aksidente, ang subscriber ang sasagot sa gastos ng repair o replacement.
May karapatan ang Wavebro Network na bawiin ang kagamitan kung hindi nagbabayad ang subscriber o lumabag sa kasunduang ito.🔧 6. Service Requests at Maintenance
Walang gagastusin ang subscriber kung ang maintenance ay dulot ng sama ng panahon o di inaasahang pangyayari.
Para sa mga request na hindi sakop ng regular maintenance, maaaring maningil ng service fee na ₱350 para sa labor at hiwalay ang bayad sa materyales.
Sumasang-ayon ang subscriber na pahintulutan ang mga technician na pumasok sa lugar kung saan naka-install ang kagamitan kung kinakailangan para sa inspection o repair.- KONDISYON AT ALITUNTUNIN 7-13
📈 7. Pagbabago ng Internet Plan
Maaaring mag-upgrade ng internet plan anumang oras ngunit hindi pinapayagan ang pag-downgrade ng plan sa loob ng anim (6) na buwan mula sa petsa ng pag-upgrade.❌ 8. Pagwawakas ng Serbisyo
Maaaring mag-request ng pagpapaputol ng serbisyo anumang oras.
Kinakailangan ang tatlumpong (30) araw na paunang abiso kung permanenteng ipapatigil ang serbisyo.
Kung nais muling iparekonek ang serbisyo, may reconnection fee na ₱250.📦 9. Relocation ng Serbisyo
Kung lilipat ng tirahan ang subscriber at nais ilipat ang serbisyo, kinakailangang mag-request sa Wavebro Network.
Maaaring may relocation fee at karagdagang bayad sa materyales depende sa distansya at installation requirements.🚫 10. Karapatan ng Wavebro na Tumanggi o Mag-terminate ng Serbisyo
May karapatan ang WAVEBRO NETWORK INC. na tanggihan o i-terminate ang serbisyo kung may makatwirang dahilan tulad ng:
Pananakot o pagbabanta sa technician o empleyado
Bastos o abusadong pagtrato sa mga tauhan
Pagtanggi sa installation rules
Mapanganib na kapaligiran sa installation area
Paulit-ulit na paglabag sa kasunduang ito🏠 11. Pahintulot sa Installation (Right of Way)
Pinahihintulutan ng subscriber ang Wavebro Network na mag-install ng fiber optic cable, router, at iba pang kagamitan sa loob o paligid ng bahay kung kinakailangan.
Kung ang subscriber ay nangungupahan, responsibilidad niyang kumuha ng pahintulot mula sa may-ari ng bahay.
Hindi mananagot ang Wavebro Network kung may reklamo ang property owner kung walang pahintulot ang subscriber.⚠️ 12. Limitasyon ng Pananagutan
Ang Wavebro Network ay hindi mananagot sa anumang indirect o consequential damages.
Ang kabuuang pananagutan ng kumpanya ay limitado lamang sa halagang binayaran ng subscriber sa nakaraang buwan.⚖️ 13. Batas na Masusunod
Ang kasunduang ito ay pinamamahalaan ng mga batas ng Republika ng Pilipinas.
Ang anumang hindi pagkakaunawaan ay lulutasin sa mga hukuman ng Romblon, Philippines.Contact
Address:
Poblacion Alcantara Romblon
Email:
support@wavebro.net
Contact:
0966 002 0842
- PAANO KUNG MABAGAL ANG AMING INTERNET?

